(Inilunsad ng Police students) “ENHANCED COMMUNITY IMMERSION PROGRAM” NG PNP

MATAGUMPAY ang “Enhanced Community Immersion Program” ng mga Police Students ng Public Safety Officer Candidate Course Classes 2021-02, 03, 04, at 05 nitong ika-25 hanggang 26 ng Oktubre 2022 sa Brgy. Tanyag sa Taguig City.

Bukod sa zumba sessions, feeding programs, libreng gupit, at maraming pang iba, ay nagsagawa din ng mga lectures at pag-aaral ang ating mga pulis para sa mga mamamayan, mga elementary and high school students, at mga barangay tanod.

Nakapaloob sa nasabing programa ay ang mga sumusunod: Lecture on Violence Against Women and Children ; Katarungang Pang-Barangay; Basic Techniques of Handcuffing; Distribution of Handcuffs; Distribution of Grocery Items / Gift-giving; School Activities; Lecture on Crime Prevention Techniques; Disaster Preparedness; Drug Awareness; Orientation and Demonstration on Livelihood Projects and Programs with Raffle Prizes.

Nagpasalamat naman si Hon. Cecilia Teodoro, Punong Barangay ng Brgy. Tanyag at si Dra. Erlinda Butcon, Punong-Guro ng Tanyag Integrated School dahil sa pagkakapili sa kanilang barangay para sa kanilang “Community Outreach Program” ng mga police students. Nagpasalamat din sila sa lahat ng tulong na naibahagi ng mga ito gaya ng pamamahagi ng mga livelihood and grocery items, handcuffs, school supplies sa ating mga mag-aaral, ganundin sa pagtuturo ng mga iba’t-ibang kaalaman na dapat mabatid ng ating mga kabarangay, o ang mga karapatan ng lahat lalo na ang ating mga kababaihan at kabataan.

Pinuri at pinasalamatan naman ni Col Roman Dela Cruz, Chief ng National Capital Region Training Center, at Col Robert Baesa, Chief of Police ng Taguig City dahil sa maayos at matagumpay na pagsasagawa ng ating mga police students ng kanilang Enhanced Community Immersion Program.

Tunay na ramdam ng ating mga kabarangay ang presensya ng ating mga pulis dahil sa programang inihanda ng ating mga PSOCC students alinsunod sa programa naman ng ating PNP Chief, PGEN Rodolfo Santos Azurin Jr., o ang pagkakaroon sa ating mga kapwa ng “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran. EUNICE CELARIO