INILUWAL SA KASAGSAGAN NG SUNOG

BABY-BFP

LAGUNA – ISANG buntis ang nagluwal sa kasagsagan ng sunog sa bayan ng Victoria.

Ayon sa ulat ni Victoria Bureau of Fire Protection (BFP) Chief SFO2 Lawrence Steban, naki­lala ang ginang na si Cris Competenten, ng Purok 3, Brgy.  Masapang.

Kinilala naman sa pangalang Crisnell ang isinilang nitong sanggol na lalaki kung saan nagtamo ng galos sa kanyang ulo matapos masagi sa gilid ng upuan nang hindi inaasahang iluwal ito habang patungo sa Rural Health Clinic.

Dakong alas-6:50 ng gabi habang aktong bumubuhos ang malakas na ulan nang makaramdam ng pagsakit ng tiyan ang ginang kasunod ang pagpapasiya nitong magtungo sa lugar lulan sa isang traysikel nang hindi inaasahang abutin ito ng panga­nganak bago sumapit sa lugar na hinihina­lang pumutok ang kanyang panubigan.

Dahil dito, agarang rumesponde ang mga tauhan ni Steban sa pangunguna ni Station Nurse F01 Carlo Antonio Santos, FO1 Renil Gojas, FO1 Lyka Diaz Serrano, at FO1 Albert Venegas matapos humingi ng tulong sa mga ito ang nagmamaneho ng nasabing traysikel.

Doon mismo sa loob ng traysikel, nadatnan pa ng mga ito ang ginang na nakalupasay habang hawak nito ang isinilang nitong sanggol na lalaki.

Sa pamamagitan ng nurse na si Santos, agarang binigyan nito ng kaukulang medical assistance ang mag-ina at ang ginawa nitong pagputol sa kanyang pusod bago mabilisang isinugod sa klinika.

Kasalukuyang nasa maayos nang kalaga­yan sa kanilang tirahan ang mag-ina matapos naging makasaysayan ang pagsilang nito ng pangalawang supling kasunod ang ipinapaabot na pasasalamat ng mga ito sa pamunuan at miyembro ng pamatay sunog. DICK GARAY

Comments are closed.