(Inirekomenda ng DFA chief) TRAVEL BAN SA INDIA

Foreign Secretary Teodoro Locsin

INIREKOMENDA ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pansamantalang pagbabawal sa pagpasok sa bansa ng mga biyahero na magmumula sa India.

“I have suggested to the IATF that a travel ban be imposed on all our good friends in the entire Indian subcontinent,” sabi ni Locsin sa Twitter, patungkol sa inter-agency task force ng pamahalaan para sa COVID-19.

“It’s not personal; it’s for everyone’s safety for now; we’ll be able to be together again,” ani Locsin.

Nauna nang sinabi ng  Department of Health (DOH) na nakipagpulong ito sa DFA para talakayin ang posibleng pagbabawal sa mga biyahero galing India, na nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Ayon sa mga eksperto, ang biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa India ay sanhi ng coronavirus variant na inilarawan bilang “double mutant” dahil sa mutations nito.

Nitong Lunes ay nasa higit 350,000 ang iniulat na nagpositibo sa naturang bansa.

Maladelubyo na ang eksena sa ilang ospital sa India kung saan nakapila ang mga pasyente sa ospital dahil sa dami ng nag-popositibo.

Nakumpirma na dalawang  Pinoy  sa India ang namatay dahil sa Covid

Hindi bababa sa 20 ang OFWs sa India na tinamaan ng virus.

May 20,000 Pinoy ang naninirahan sa India.

Sinabi naman ng Philippine health authorities na hindi pa nade-detect sa bansa ang naturang variant.

Sa kasalukuyan ay nakapagtala ang bansa ng 659 B.1.1.7 (United Kingdom) variant cases, 695 B.1.351 (South Africa) variant cases, 2 P.1 (Brazil) variant cases, at 148 kaso ng P.3 variant na unang na-detect sa Central Visayas. LIZA SORIANO

11 thoughts on “(Inirekomenda ng DFA chief) TRAVEL BAN SA INDIA”

  1. 811650 946078Greetings! Quick question thats completely off subject. Do you know how to make your site mobile friendly? My weblog looks weird when viewing from my iphone. Im trying to locate a template or plugin that may be able to fix this difficulty. If you have any recommendations, please share. Appreciate it! 536892

  2. 508946 812979Aw, this was a really good post. In concept I wish to put in writing like this moreover ?taking time and precise effort to make an excellent write-up?but what can I say?I procrastinate alot and certainly not appear to get one thing done. 636322

Comments are closed.