(Inirekomenda ng DTI) HAIRS SALONS, IN-DOOR DINING BUBUKSAN NA

Secretary Ramon Lopez-6

INIREKOMENDA ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pabubukas ng hair salons at indoor dining services sa kabila ng pagpapalawig ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at apat na karatig-lalawigan.Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kung papayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang parsiyal na pagbubukas ng mga hair salon at barberya, aabot sa 400,000 workers ang makababalik sa trabaho.

Mahigit sa 100,000 manggagawa naman ang balik-trabaho kung bubuksan ang dine-in services.

“Ang recommendation kasi ni Secretary Lopez is to ease up a little bit, ‘yong magdagdag tayo ng mga negosyo, lalo na iyong mga labor intensive talaga na puwede namang sundin ‘yong mandatory health protocols natin,” pahayag ni Castelo.

Aniya, iminungkahi ng DTI na payagan ang indoor dining sa 10% capacity, habang ang mga salon ay sa 50% capacity.

Ang  NCR Plus ay muling isasailalim sa MECQ sa loob ng dalawang linggo o hanggang Mayo 14. LIZA SORIANO

4 thoughts on “(Inirekomenda ng DTI) HAIRS SALONS, IN-DOOR DINING BUBUKSAN NA”

  1. I do accept as true with all of the ideas you have offered for your post. They are very convincing and can certainly work. Still, the posts are too brief for novices. Could you please prolong them a little from next time? Thank you for the post.

  2. I am just writing to make you be aware of what a superb encounter my friend’s princess found reading your site. She picked up such a lot of details, most notably what it’s like to possess an incredible coaching nature to make other people just grasp chosen specialized matters. You really did more than my expected results. Thanks for delivering those good, safe, edifying and even easy guidance on the topic to Lizeth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *