IPRINISINTA ni Senadora Cynthia Villar sa Senate plenary ang report ng Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform sa isyu ng pagtaas ng presyo ng sibuyas.
Partikular na tinukoy rito ang pag-amendya sa Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 upang isama ang profiteering, hoarding at smuggling sa economic sabotage.
“The amendment should be explicit and express and will leave no room for the implementers to interpret the intent and spirit of the law otherwise through implementing rules and regulations,” ani Villar.
Upang protektahan hindi lamang ang onion industry kundi ang buong agricultural sector, ipinanukala ng committee ang pagbuo sa “Anti-Agricultural Smuggling Task Force.”
Iminungkahi rin ang special court para dinggin ang economic sabotage cases.
“The special court will give the task force the muscle to bring smugglers, profiteers and hoarders to justice and ensure preferential attention to cases of economic sabotage,” nakapaloob sa panukala.
Inirekomenda rin ang pag-aproba sa importation permits na “logically scheduled” para makipag-compete sa local production at harvest.
“The import volume must be correctly established and such must be only for purposes of providing the needed supply in the market. Ayaw na po nating makitang nagtatapon ng sibuyas ang mga farmers natin dahil sa sobrang baba ng presyo dulot ng maling timing ng importasyon,” giit ni Villar.
Inihain ng senadora ang Senate Bill No. 1962 para baguhin ang RA10845 at Senate Bill No. 1963 o ang Anti-Agricultural Smuggling Courts Act of 2023.
“With the Anti-Agricultural Smuggling Task Force and Anti-Agricultural Smuggling Court in place, we will have a watchdog in the agricultural sector to ensure that whoever manipulates the price of agricultural commodities to the detriment of the small farmers and consumers, will be brought to justice accordingly. Gone are the days when we are always at the mercy of these cartels,” ani Villar.
Base sa Department of Agriculture-Price Monitoring Office, ang presyo ng lokal na sibuyas na pula ay P90-P140 noong July-August 2022 at tumaas sa P200 noong October. Noong December 2022 naman ay tumaas ito sa P600-P700.
VICKY CERVALES