(Inisyuhan ng safety seal) CAPACITY SA BIZ ESTABLISHMENTS TATAASAN

TATAASAN ng 10 percentage points sa operational o ven­ue capacity ang mga business establishment na pinayagang magbukas sa kanilang mga lo­kalidad na inisyuhan ng safety seal, batay sa inilabas na pinakabagong joint guidelines mula sa limang government regulatory agencies.

Ang direktiba ay nakapaloob sa “Supplemental Guidelines Relative to the Implementing Guidelines of the Safety Seal Certification Program” nilagdaan ng heads ng  Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT), at ng  Department of Trade and Industry (DTI) noong Oct. 1.

Sa isang statement, sinabi ni  DTI Secretary Ramon Lopez na ang pagtataas sa allowable occupancy ay naglalayong mahimok ang mga negosyo na mag-apply para sa safety seal at mapalakas ang health protocols sa mga establisimiyento at workplace.

“This seal is one of the government’s measures to restart the economy under the new normal and increase employment opportunities by making the reopening of business more viable for operation,” sabi ni Lopez.

Ikokonsidera ang contact tracing applications ng local government units (LGUs) kapalit ng StaySafe.PH habang inaayos ng DILG ang integration ng StaySafe.PH sa iba pang contract tracing applications.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa kawalan ng StaySafe.ph digital contact tracing application para sa mga  establisimiyento o opisina na nag-aapply para sa safety seal certification, ang LGU-mandated applications na kasalukuyan nilang ginagamit ay ikokonsidera.

“The DILG is in the process of integrating the StaySafe.ph application with other existing applications initiated by the local government units (LGUs) to effectively contain the spread of Covid-19 (coronavirus disease 2019),” ani Año.

Itinalaga rin sa supplemental guideline ang DOLE at LGUs bilang issuing authority para sa  safety seal para sa information technology and business process management (IT-BPM) at para sa dental clinics.

Bukod dito, inaatasan ng supplemental guideline ang mga establisimiyento at  workplace na magtalaga ng safety officers na mangangasiwa sa pagpapatupad ng public health standards sa kanilang mga lugar.

“Our safety officers play a key role in boosting the overall economic productivity of our firms.  When workers are assured of their safety and health at their respective workplaces, work quality and productivity are also enhanced,” wika ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III.   PNA

160 thoughts on “(Inisyuhan ng safety seal) CAPACITY SA BIZ ESTABLISHMENTS TATAASAN”

Comments are closed.