INIT NG PANAHON PAPALO SA 40°C

HOT WEATHER-2

INAASAHANG papalo sa 40 degrees Celsius ang mararanasang init ng panahon pagsapit ng dry o summer season.

Ito ang sinabi ni Ana Solis, chief ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Climate Impact Monitoring and Prediction Section, partikular na mararanasan ang 40 degrees Celsius lalo na sa northern Luzon area kasama na ang lalawigan ng Caga-yan at sa bahagi ng Tuguegarao.

Magpapadagdag pa raw sa extreme heat ang maalinsangan na panahon at ang human heat index.

Kaya naman nga­yon pa lamang, patuloy na ang babala ng mga eksperto sa inaasahang epekto sa kalusugan ng tao ang papasok na tag-init na sina-bayan din ng El Niño phenomenon.

Nauna rito, sinabi ng ilang eksperto sa Pagasa na makararanas ang bansa ng moderate El Nino phenomenon.

Nabatid na sa susunod na linggo ay magpapalabas ng assesment ang Pagasa at sa bago pa nilang data na dapat asahan sa papasok na anim na buwan.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.