AABUTIN ng 38 degrees Celsius ang temperatura o init na mararanasan sa Metro Manila ngayong buwan ng Abril.
Sinabi ni Pagasa chief of Climate Impact Monitoring and Prediction Section Ana Solis na ito ay “instantaneous value” lamang at hindi ang average na temperatura.
Nasa 33 degrees Celsius ang pinakamainit na temperatura na naitala sa rehiyon ngayong linggo habang noong nakaraang buwan, pumalo sa 36.2 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila.
Mararanasan naman ang 39 degrees Celsius o pinakamainit na temperatura ngayong buwan sa Tuguegarao sa lalawigan ng Cagayan.
Nagbabala ang PAGASA sa publiko na iwasan ang pagbabad sa araw sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon dahil maari itong pagmulan ng skin cancer. ANGELO BAIÑO
Comments are closed.