INIUTOS NG DENR: MINING TIGIL MUNA

IPINAG-UTOS kahapon ni Envi­ronment Secretary Roy Cimatu ang suspensiyon ng lahat ng small-scale mining activities at pagbawi sa tem­porary contracts sa 10 small-scale mining associations sa Cordillera Administrative Region.

Ang kautusan ay ginawa ni Cimatu matapos ang pagragasa ng mga lupa  sa CAR dulot ng bagyong Ompong na humagupit noong nakaraang weekend.

Sa isinagawang joint press briefing sa Itogon, Benguet ay ibinunyag ni Presidential Spokesman Harry Roque na base sa data ng Department of Interior and Local Government ay  umabot sa 54 katao ang nasawi sa landslides at 49  iba pa ang nawawala.

“So in view of this current situation, in the Cordillera’s, to prevent further danger to the lives of our small-scale miners, I officially order cease and desist of all illegal small-scale mining operations in the whole of Cordillera Administrative Region. At present there are existing applications for Minahang Bayan in some areas of the region, while we await for the approval and proclamation of these applications we asked our small-scale miners to cooperate and stop all small-scale mining activities here,” pahayag ni  Cimatu

Napag-alaman mula sa isang opisyal ng Mines and Geosciences Bureau sa Cordillera  na sampung asosasyon ang nabigyan ng  temporary small-scale mining contracts.

“Because of the landslides and the high number of fatalities, by virtue of what happened, I’m revoking those permits effective today,” sabi ni Cimatu.

Tiniyak pa ng kalihim na  sasampahan ng kaso ang sinumang susuway sa kanyang kautusan na cease and desist order.

“They could be charged with mining without permit or theft of minerals,” giit pa ni Cimatu.

Magpapadala  ang DENR ng mga tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police upang tiyakin na mapatitigil ang lahat ng mining activities sa rehiyon partikular sa Itogon.

Samantala, tiniyak naman ni Roque na makatatanggap ng kaukulang assistance mula sa pamahalaan ang mga mawawalan ng trabaho bunsod ng ipinag-utos na suspensiyon ng mining activities.    EVELYN QUIROZ

Comments are closed.