(Iniutos ng DOLE) TEMPORARY DEPLOYMENT BAN SA SAUDI

SAUDI ARABIA

NAGLABAS ng kautusan si Labor Secretary Silvestre Bello III para sa pansamantalang pagsuspinde sa deployment ng over-seas Filipino workers (OFWs)  sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) epektibo nitong Mayo 27, araw ng Huwebes.

Kasunod ito ng mga natanggap na ulat ng kagawaran na ang mga paalis na OFW ay inaatasan ng kanilang mga employer/foreign recruitment agency na sagutin ang gastusin para sa COVID-19 health at safety protocols.

Dagdag pa rito, pinagbabayad din  ang mga OFW para sa kanilang insurance coverage premium bago pumasok sa KSA.

Dahil sa mga natanggap na ulat, inatasan ni Bello si Administrator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Admin-istration (POEA) na suspendihin muna ang deployment ng mga OFW sa KSA.

Sinabi ni Bello, na siya ring chair ng POEA Governing Board, na ang suspensiyon ay maiaalis lamang sa oras na malinaw ang nasabing mga isyu.

Sa Memorandum Circular No. 1, Series of 2021 na inisyu ng POEA ngayong taon, ang mga licensed Philippine recruitment agency at/ o ang mga principal/employer ng mga OFW ang siyang dapat na maging responsable sa gastusin sa mga  COVID-19 health at safety protocol.

Dapat din nilang bigyan ang mga manggagawa ng libreng COVID-19 testing na siyang kinakailangan o hinihingi ng kanilang mga employer at ng bansa na kanilang pupuntahan.

Sila rin ang dapat na magbigay ng tamang social protection benefit, tulad ng health at medical insurance, maging ng occupation-al health at safety provision, kabilang ang mga hygiene kits at personal protective equipment sa mga lugar na kanilang pinapasukan bilang pagsunod sa workplace guideline na inisyu ng World Health Organization (WHO).

Ang mga licensed Philippine recruitment agency at/ o ang mga principal/employer din dapat ang may responsibilidad na mag-bigay ng pagkain, tutuluyan at transportasyon mula sa lugar kung saan sila na-hire patungo sa kanilang destinasyon upang matiyak na ang mga ipinadadalang manggagawa ay negatibo sa COVID-19 bago ang kanilang deployment. PAUL ROLDAN

6 thoughts on “(Iniutos ng DOLE) TEMPORARY DEPLOYMENT BAN SA SAUDI”

  1. 274887 932025Nice post. I be taught 1 thing more challenging on entirely different blogs everyday. It will all of the time be stimulating to learn content from other writers and apply slightly one thing from their store. Id desire to use some with the content on my blog whether you dont mind. Natually Ill give you a hyperlink on your net weblog. Thanks for sharing. 43333

  2. 778127 941330Ive just been talking to Sean Gallagher about his upcoming Instant Income Cash Machine course, and hes been kind enough to fill me in on several details regarding his upcoming course. 891527

Comments are closed.