(Iniutos ng PCC sa Grab na ibigay hanggang Abril 22) P19.3-M REFUND SA RIDERS

BINIGYAN ng Philippine Competition Commission (PCC) ang ride-hailing firm Grab Philippines ng isang buwan para ipalabas ang P19.3-million na nalalabing refunds sa qualified customers.

Sinabi ng PCC na hanggang June 15 noong nakaraang taon, ang mga rider ay nakatanggap lamang ng P6.15 million ng kabuuang P25.45 million na penalties na dapat isauli ng Grab sa mga customer nito.

“The PCC is giving Grab until April 22 to refund the remaining amounts to eligible users, noting that the refund should be immediately credited via GrabPay Wallet without requiring any act from the users to claim the amount,” sabi ng competition watchdog sa isang statement.

Noong November 2019 ay inatasan ng regulator ang Grab na isauli ang P5.05 million sa mga customer nito para sa sobrang singil sa pagitan ng February at May. Ang PCC ay nagpataw ng panibagong P14.15 million penalty para sa paniningil ng kompanya ng “extraordinary” fares na lagpas sa price commitments nito.

Noong February 2021 ay pinatawan ng PCC ang Grab ng karagdagang P6.25 million na penalties para sa pricing issues.

“The PCC remains steadfast in monitoring Grab’s commitments to temper the firm’s dominance in the ride-hailing market. These measures are in place to prevent Grab from exercising monopolistic behavior due to its unchallenged market power,” sabi ni  PCC chairman Arsenio Balisacan.