NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na nagpapataw ng price cap sa baboy at manok sa Metro Manila.
Nakasaad sa Executive Order No. 124 na ang pinakamataas na presyo na dapat itakda sa pige at kasim ng baboy ay P270 kada kilo, P300 sa kada kilo ng liempo at P160 naman sa kada kilo ng manok.
Ayon kay Pangulong Duterte, lubhang nakaapekto sa supply at presyo ng baboy sa merkado ang bumabang bilang ng output nito bunsod ng outbreak ng African Swine Fever (ASF).
“The current retail prices of basic necessities in the National Capital Region such as pork and chicken have increased significantly, causing undue burden to Filipinos, especially the underprivileged and marginalized,” sabi ng Pangulo.
“To address the rising food prices, the Department of Agriculture recommends the imposition of a price ceiling on selected pork and chicken products in the NCR…it is imperative and urgent to ensure that basic necessities are adequate, affordable and accessible to all,” dagdag pa ng Pangulo.
Ang mga hindi susunod sa ipaiiral na price cap ay papatawan ng kaparusahan.
Maaari aniyang maisara ang puwesto ng mga lalabag.
Ang naturang kautusan ay magiging epektibo sa sandaling mailathala sa Official Gazette o ‘di kaya ay sa pahayagan na may general circulation at magiging epektibo sa loob ng 60 araw maliban na lamang kung palalawigin pa ni Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng price cap kung irerekomenda ito ng agriculture department. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.