INIUTOS NI DUTERTE: KANDIDATO 2 LANG ANG BODYGUARD

President Rodrigo Duterte

PINALILIMITAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang bodyguards at dalawang baril lamang ang bawat kandidato para sa 2019 elections.

Sinabi ni Duterte na nais niyang siguraduhin ang maayos at payapang halalan sa bansa kaya pinasusuko nito sa Philippine National Police ang mahigit sa dalawang armas ng mga politiko.

Bukod dito, kailangan din  na unipormado ang mga bodyguard ng mga politiko.

Kumbinsido ang Pangulo na kapag nalimitahan ang mga baril ay maiiwasan ang pananakot sa mga botante ng ilang mga  tiwa­ling kandidato na may private army.

Iniutos din ng Chief Executive  sa kanyang mga kaalyadong politiko sa PDP-Laban na sumunod sa nasabing kautusan kung ito man ay maipatutupad na panahon ng halalan para na rin umano sa kaligtasan ng mga kandidato.

Sinabi ng Pangulo na maglalagay ang militar at pulisya  ng dagdag na mga checkpoint kung saan ginaganap ang isang political rally.

Comments are closed.