(Iniutos ni Duterte para mapababa ang presyo) BAWAS-TARIPA SA KARNE NG BABOY

baboy

UPANG pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng karne ng baboy, maging frozen o bagong katay, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pansamanta­ lang pagbabawas ng taripa sa nasabing produkto.

Ang hakbang ay kasunod ng pagsirit sa presyo ng pork products na epekto ng pananalasa ng African Swine Fever (ASF) sa mga babuyan.

Kahapon ay nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Exececutive Order No. 128 kung saan nakasaad ang temporary rate reduction sa taripa.

“There is an urgent need to temporarily reduce the Most Favoured Nation (MFN) tariff rates on fresh, chilled or frozen meat of swine to address the existing pork supply shortage, stabilize prices of pork meat, and minimize inflation,” nakasaad sa EO No. 128.

Sa ilalim ng Section 1608 ng  Republic Act No. 10863, pinalakas ni Pangulong Duterte ang interes ng pangkalahatang konsyumer ng pork products batay sa rekomendasyon ng   National Economic and Development Authority (NEDA) na naglalayong madagdagan o mabawasan, o alisin ang kasalukuyang rates sa  import duty.

Epektibo ang kautusan kapag naisapubliko sa Official Gazette o sa mga pahayagan na may general circulation at iiral sa loob ng isang taon mula sa paglathala. EVELYN QUIROZ

4 thoughts on “(Iniutos ni Duterte para mapababa ang presyo) BAWAS-TARIPA SA KARNE NG BABOY”

  1. 307383 156821Your post is truly informative. Far more than that, it??s engaging, compelling and well-written. I would desire to see even more of these types of great writing. 749127

  2. 183415 17987Id need to verify with you here. Which isnt something I often do! I take pleasure in reading a post that could make folks believe. Additionally, thanks for permitting me to comment! 70105

Comments are closed.