MALAYA nang makapag-aangkat ng bigas nang walang limi¬tasyon ang sinumang negosyanteng may puhunan basta handang magbayad ng taripa na gagamitin naman ng gobyerno para matulungan ang mga magsasaka sa bansa.
Ito ay makaraang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na Cabinet meeting noong Lunes ng gabi ang pagpapatupad ng maluwag na pag-angkat ng bigas kalakip ang kompletong dokumentasyon mula sa kinauukulang ahensiya ng gobyerno.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang hakbang ay alinsunod sa rekomendasyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez.
“The president ordered the unimpeded importation of rice. He wants to flood the market with rice so that even if the price of crude and other oil prices should go up still further that the people will have access to affordable rice,” wika ni Roque.
“With this kind of order even giant Filipino companies like San Miguel Corporation which was specifical-ly mentioned int he Cabinet meeting will now be able to import rice and that this increase in supply of rice will result in overall lowering of price of rice,” dagdag pa ni Roque.
Sinabi ni Roque na ang malayang pag-aangkat ng bigas ang nakikitang pamamaraan ng gobyerno upang malabanan ang tumataas na inflation rate sa bansa.
Naniniwala, aniya, ang Pangulong Duterte na ang pagbaha ng supply ng bigas sa merkado ay makatutulong para mapababa ang inflation rate sa bansa. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.