(Iniwan ng Bagyong Carina) 170 TONELADANG BASURA NAKOLEKTA NG MMDA

UMABOT sa higit 170 tonelada na mga basura ang nakolekta ng mga tauhan ng MMDA sa pangunguna ng Metro Parkway Clearing Group na iniwan ng habagat at bagyong Carina.

Ayon sa MMDA katuwang ng ahensiya ang TUPAD program beneficiaries na ibinigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang alisin ang mga tambak na basura sa metro Manila.

Patuloy ang paghahakot ng MMDA sa mga basurang natanggal mula sa mga lansangang bumabara sa mga daluyan ng tubig na naging sanhi ng malawakang pagbaha dala ng nagdaang bagyong Carina at habagat.

Panawagan ng MMDA sa publiko maging responsable sa pagtatapon ng basura upang hindi na maulit ang nangyaring mga pagbaha sa metro manila dulot ng basurang bumabara sa mga daluyan ng tubig ulan.

CRISPIN RIZAL