(Iniwan ng Bagyong Nika) MOUNTAIN ROADS SA NORTHERN LUZON SARADO

MARAMING mga kalsadang hindi madaanan sa Hilagang Luzon dahil sa Tropical Cyclone ‘Nika’ kung saan umabot na sa 16 ang mga ang mga ito ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) dakong alas 12:00 ng tanghali nitong Nobyembre 12.

Bagama’t tatlong kalsada ang muling nabuksan, may mga dagdag na kalsadang isinara sa Kalinga Province bunsod ng pagguho ng lupa.

Mga Kalsadang Apektado sa Cordillera Administrative Region (CAR):

  1. Mt. Province Bdry-Calanan-Pinukpuk-Abbut Road (Cagaluan-Calanan Sect), Dupag at Bagumbayan sa Tabuk City, Kalinga dahil sa pagguho ng lupa.
  2. Balbalan-Pinukpuk Road, Dao-angan, Balbalan, Kalinga dahil sa pagguho ng lupa.
  3. Kalinga-Abra Road, Balenciagao Sur, Pasil, Kalinga dahil sa pagguho ng lupa.
  4. Lubuagan–Batong-Buhay Road, Puapo, Dangtalan, Pasil, Kalinga dahil sa pagguho ng lupa at bato.
  5. Mt. Province Bdry-Calanan-Pinukpuk-Abbut Road, Basao, Tinglayan, Kalinga dahil sa pagguho ng lupa.
  6. Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road sa Tukucan, Tinoc, Ifugao dahil sa landslide.
  7. Jct Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road, Pingew, Talubin, Bontoc, Mountain Province dahil sa pagguho ng lupa.
  8. Mt. Prov-Ilocos Sur via Tue Road sa Cabunagan, Tadian, Mountain Province dahil sa pagguho ng lupa.
  9. Mt. Province–Nueva Vizcaya Road, Talubin, Bontoc, Mountain Province dahil sa pagguho ng lupa.
  10. Sagada-Besao-Quirino Road, Banguitan, Besao, Mountain Province dahil sa pagguho ng lupa.
  11. Jct Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road, Porag at Tonglayan sections, Natonin, Mountain Province dahil sa pagguho ng lupa.

Sa Rehiyon 2, nadagdagan ang mga kalsadang sarado na kinabibilangan ng isang daan sa Nueva Vizcaya at apat na kalsada sa Cagayan at Quirino.

  1. Papaya-MalabingWangal-Binugawan-TadjiRunruno Road, Barangay Tadji, Kasibu, Nueva Vizcaya.
  2. Itawes Overflow Bridge, Sta Barbara, Piat, Cagayan dahil sa pagbaha.
  3. Gadu-Carilucud-Nabbotuan-Palao-Maccutay Road, Barangay Carilucud, Solana, Cagayan dahil sa pagbaha.
  4. Jct Abbag-Nagtipunan-Nueva Vizcaya Road via Dupax, La Conwap, Nagtipunan, Quirino dahil sa pagbaha sa detour road.
  5. Jct Victoria-Maddela-Alicia-Kasibu Boundary Road, Barangay Villa Santiago, Aglipay, Quirino dahil sa pagguho ng lupa at pagbagsak ng mga puno.

Mga Kalsadang Limitado sa mga Mababang Sasakyan sa Isabela at Aurora

Patuloy na sarado para sa mga magagaan na sasakyan ang ilang kalsada sa Isabela at Aurora dahil sa pagbaha:

  1. Santiago-Tuguegarao Road, Barangay San Pedro hanggang San Pablo, Aurora, Isabela, madaanan lamang ng mabibigat na sasakyan.
  2. Baler-Casiguran Road (Dinadiawan-Casiguran Section) sa Barangay Simbahan, Dinalungan, Aurora, madaanan lamang ng mabibigat na sasakyan.
  3. Baler-Casiguran Road (Dinadiawan-Casiguran Section) Barangay Marikit, Casiguran, Aurora, madaanan lamang ng mabibigat na sasakyan.

Patuloy na nagpapaalala ang DPWH-BOM sa mga motorista na maging maingat at magtungo lamang sa mga alternatibong ruta kung maaari.

RUBEN FUENTES