INMATE NA PUMUGA, NADAKIP NA

INMATE

NAVOTAS CITY – ISANG drug inmate na nakulong sa Navotas police detention cell ng mahigit isang linggo ang nakatakas noong Biyernes ng gabi.

Si Emmanuel Bautista, 43, na may kasong paglabag sa Section 5 Article II ng R.A. 9165 o the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ay nakatakas sa Navotas police detention cell alas-4 ng hapon na naglakad lang palabas ng jail kasabay ng naka-duty na pulis.

Ipinag-utos na rin ni Navotas police chief Sr. Supt. Brent Milan Madjaco ang manhunt kontra sa suspek na nadakip ng mga pulis noong July 23 sa isang anti-illegal drug operation sa Brgy. San Roque.

Makaraan ang mahigit isang oras, nadakip ng mga tauhan ng Navotas police Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) si Bautista sa kanyang bahay sa Kadiwa Champaca St., Brgy. San Roque alas-5:45 ng hapon.  EVELYN GARCIA

2 thoughts on “INMATE NA PUMUGA, NADAKIP NA”

  1. 392143 303813Thank you, Ive just been searching for information about this topic for a although and yours may be the greatest Ive discovered till now. But, what in regards towards the conclusion? Are you sure concerning the supply? 965547

Comments are closed.