INNOVATION: PANLABAN  SA POLUSYON

BASURA, walang saysay. Itinatapon na dahil hindi na mapakikinabangan. Ngunit may pera sa basura.

Sa mga nakalipas na dekada, ito ang napatunayan ng mga na­ngongolekta nito na nagpapapawis sa ilalim ng sikat ng araw at nababasa ng ulan. Inaasahan nilang sa mga itinatapon ng publiko na walang saysay ay mayroon silang makukuhang mahahalagang bagay. Mga bagay na maaari pa nilang mapakinaba­ngan.

Ang basura ay hindi lamang pangkaraniwang tanawin sa Metro kundi maging sa urban province.  Naging sakit sa ulo ng mga lokal na pinuno ang garbage disposal.

May panahon din na umabot na sa crisis proportions ang garbage disposal. Ito ay sulira­ning nabahiran ng politika at mga walang pakialam nating kababayan kaya nalalagay sa panganib ang kalusugan ng mga Filipino dahil sa kontaminadong tubig at pagkain, virus-spreading insects at germ-stricken environment.

Nang magsimulang mawalan ang mga pamilya ng kanilang mahal sa buhay at hindi na ligtas ang kanilang iniinom na tubig, nagkaroon ng galit at dismaya ang bansa. Kabilang si Senator Cynthia A. Villar sa mga pangunahing mambabatas na kumilos at nanguna sa pagkalap ng technical resources upang matugunan ang waste management.

Pinakilos niya ang government agencies at private enterprises kaakibat ang Villar SIPAG Foundation sa paghahahanap ng alternatibong paraan upang magkaroon ng halaga ang mga ba­sura.

POLUSYON-2Recycling ang pina­ka­magandang ideya. Ang mga itinatapon na plastic ay puwedeng i-recycle at gawing plastic furniture gaya ng school chairs, desks, at iba pang uri ng furniture.

Noong 2013, binuksan ni Villar ang unang Waste Plastic Recycling Factory sa Metro Manila. Ginagawa rito ang matitibay na school chairs mula sa plastic wastes sa ilalim ng proyektong ini­lunsad ng Villar SIPAG Foundation sa pakikipagtulugan ni dating Senate President Manny Villar at dating Las Piñas Rep. Mark Villar.

Matatagpuan sa Barangay Ilaya, Las Piñas City ang kauna-unahang Waste Plastic Recycling Factory sa Metro Manila. Itinayo rin ng Villar SIPAG and dalawa pang factories sa siyudad ng Iloilo at Cagayan de Oro para sa Visayas at Min­danao regions.

Sa loob ng isang buwan, nakagagawa ang mga planta ng may 1,000 armchairs na yari sa “soft platics.” Ang mga ito ay mukhang wooden chairs na may changeable parts at tatagal ng 20 taon. Kailangan ang 20 kilos ng soft plastics gaya ng food wrappers upang makagawa ng isang school chair.

Sa kasalukuyan, libo-libo ng school chairs ang nagawa sa mga plantang ito. Ang mga ito ay naipamahagi na ng libre sa mga paaralan sa buong bansa.

Ang karamihan sa mga ito ay naibigay sa mga paaralan sa National Capital Region at CALABARZON. Namigay rin si Villar ng mga silya sa lugar sa Visayas na sina­lanta ng mga bagyo.

Binigyang diin ni Villar na sa pamamagitan ng gawaing ito, dalawa sa kanyang pangunahing adbokasiya ang kanyang naisusulong—job creation para sa mahihirap at environmental protection.

“In turning plastic wastes into useful furniture like school chairs, we are not only reducing the amount of plastic garbage that goes into our water resources and destroys the environment. At the same time, we are also able to provide livelihood sources to the poor, because the jobless, the non-skilled and even the physically disabled are employed by the factories,’ ani Villar.

POLUSYON-3Si Villar ang prime mover sa plastic waste management sa bansa. Bilang chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources, ipinanukala niya ang mga pagbabago sa 17-year-old Ecological Solid Waste Management Act of 2000 o Republic Act 9003 upang papanagutin ang mga kompanya at manufacturers sa pagdurumi ng water resources ng bansa dahil sa mga itinatapon nilang plastic wastes.

Unang ipinanukala ito ni Villar sa 12th session of the Conference of the Parties to the Convention on the Conservation of Migratory Species of Wild Animals (CMS-COP12). Ipinahayag niya na maaaring isunod ang public accountability sa Extended Producer Responsibility (EPR) concept na ginagawa sa mga bansa sa Europa kung saan ang manufacturers ay inaatasang kunin ang plastic wastes sa pamamagitan ng buy-back or recycling program.

Base sa pag-aaral ng University of Georgia, ang Filipinas ang pangatlo sa pinakamalaking producer ng plastic wastes na maaaring makaapekto sa mga bahaging may tubig. Sa 192 bansa na sinurbey, ang China at Indonesia ang top plastic waste producers.

Nagbabala ang United Nations na ang pinsala ng plastic wastes ay malapit na sa kategoryang ‘planetary crisis.’

Ayon sa UN Environment Programme o UNEP, may walong mil­yong tonelada ng plastic wastes ang itinatapon sa ating katubigan kada taon. Nababahala ang UNEP na sa 2050, mas marami na ang plastic kaysa sa isda sa ating karagatan.

“We need to work together to protect Mother Nature. We need to come up with more innovative ideas to transform garbage into valuable materials, like these school chairs and other furniture manufactured from plastic wastes as raw ingredients,” ani pa Villar.   VICKY CERVALES

Comments are closed.