INAASAHAN ng mga mananaliksik mula sa National Research Council of the Philippines (NRCP) ang paglabas ng patent para sa insecticide mula sa halamang kakawate na kilala rin sa katawagang “madre de cacao” (gliricidia sepium).
Ayon kay Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña, ang Kakawate ay isang tropikal na halaman na karaniwang ginagawang bakod sa mga lupang pang-agrikultura.
Sinabi ni De la Peña na anim na taon matapos mag-apply ang DOST-NRCP para sa patent ng kanilang imbensyon, alam na umano nilang pagbibigyan ito. Maganda umano ang gawa nilang insecticide na ginawa mula sa halamang ito, at habang naghihintay sila ng desisyon ay mas pagbubutihin pa nila ito.
Saklaw ng patent ng imbensyon ang paggamit ng mga organikong compound mula sa halaman ng kakawate bilang isang mabisang pamatay-insekto.
Inihayag sa database ng patent sa Intellectual Property Office (IPO) ang mga karagdagang impormasyon at mga compounds na idinagdag sa nasabig insecticide. Ang kakawateinsecticide ay maaaring magamit upang maitaboy ang mga insekto at mabawasan ang oviposition o pagkamay ng halamang iispreyan nito.
Ang paggamit ng mga organikong kemikal na compound mula sa mga halaman ang pinakamagandang paraan upang mabawasan ang pagkamatay ng mga halamang inaalagaan, at maiiwasan na rin ang paggamit ng synthetic insecticides na nakakapinsala dito. — KAYE NEBRE MARTIN
You really make it seem so easy with your presentation but
I find this matter to be actually something that I think
I would never understand. It seems too complex and very broad
for me. I’m looking forward for your next post, I’ll try to get the hang of it!
Nice post. I used to be checking continuously this blog and I’m impressed!
Very helpful info specially the closing section :
) I handle such info a lot. I used to be seeking this certain info
for a very long time. Thanks and best of luck.
457133 220196For anybody who is interested in enviromentally friendly points, might possibly surprise for you the crooks to maintain in mind that and earn under a holder just because kind dissolved acquire various liters to crucial oil to make. daily deal livingsocial discount baltimore washington 161960
Ano po ba ang mangayayari pag nigrant sila ng patent? E pwede nman pong itong itanim ng isang magsasaka pagtapos ay tatadtarin/blender ang mga dahon ihalo sa tubig. Alin po ang nipapatent nila, yung mismong halaman?