Inaprubahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang isang ordinansa na magbibigay daan upang ma-update ang mga insentibo na ibibigay sa mga medium at malalaking enterprises bilang bahagi ng pagsisikap ng lungsod na palaguin ang ekonomiya sa lungsod.
Ang bagong naipasang ordinansa ay ang Ordinance No. SP-3296, S-2024, amending Ordinance No. SP-2219, S-2013, na may layuning pagbutihin at padamihin ang customized fiscal incentive packages para sa mga medium hanggang malalaking negosyo sa Quezon City.
Ang Ordinansa ay isinulong nina Councilors Wency Lagumbay, Doray Delarmente, Banjo Pilar, at Chuckie Antonio.
“We have implemented necessary changes to the incentives we provide to medium and large enterprises as part of our ongoing efforts to attract more businesses and investors to channel their resources, expand or relocate their activities in the City to strengthen local economic progress,” sabi ni Belmonte.
Sa ilalim ng naturang ordinansa, ang bagong medium at large enterprises na may asset na higit pa sa Php 15 million excluding land value, ay maaaring mag -apply para sa dalawang taong exemption mula sa business tax, amusement tax, franchise tax, at real property tax sa registered land at mga bagong gusali na itinayo sa loob ng dalawang taon na ito ay nakarehistro.
“An additional year of exemption will be given if a newly registered enterprise is engaged in a business listed in the latest Investment Priorities Plan of Quezon City such as circular and sustainable infrastructure, creative economy and industry, inclusive economy, and innovation and development,”ang nakasaad dito.
“Businesses planning to expand or establish a new branch in Quezon City can benefit from a two-year exemption from business tax, amusement tax, franchise tax, and real property tax on registered lands and new buildings constructed within two years of the registration of the office or additional branch.Businesses relocating their principal offices to Quezon City may receive a 10-year tax exemption from situs tax for all their gross sales outside of Quezon City,” patuloy na nakasaad dito.
Nakasaad din sa naturang ordinansa na ito ay magbibigay ng insentibo sa mga tapat na negosyo na magpapanatili ng principal office nila sa Quezon City sa loob ng 15 taon , at magkakaroon ito ng 10-percent discount sa kanilang situs tax para sa kanilang benta o gross sales sa labas ng siyudad sa loob ng isang taon.
MA. LUISA M GARCIA