INSENTIBO SA NEGOSYO SA LABAS NG MM

Presidential spokesman Salvador Panelo4

INILALATAG na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order para sa pagkakaloob ng insentibo sa mga negosyo sa labas ng Metro Manila.

Ito ay bilang bahagi ng panukalang i-decongest ang rehiyon.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, inirekomenda sa cabinet meeting noong Lunes ang natu­rang plano ni Pangulong Duterte.

Gayunman, hindi tinukoy ni Panelo kung anong partikular na insentibo ang ibibigay ng Malacañang sa mga investor na maglalagak ng negosyo sa labas ng Metro Manila.

Bukod sa insentibo, inirekomenda rin ng ilang mi­yembro ng gabinete ang pagtatatag ng government department na mangunguna sa disaster mitigation and response sa panahon ng kalamidad at iba pang emergencies.

“Having an earthquake resilient archipelago was highlighted by Cabinet Cluster on Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction Chairperson and Environment and Natural Resources Secretary Roy A. Cimatu, together with National Defense Secretary Delfin Lorenzana,” ani Panelo.

“They recommended that the Office of the President, through the Presidential Legislative Liaison Office, push for the passage of the creation of the Department of Resi­liency in the 18th Congress,” sabi pa niya.

Inirekomenda rin, aniya, ng Cabinet group ang pagsusumite ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan ng public service continuity plans sa oras na tumama ang “The Big One’ sa bansa.

“The Philippines is prone to earthquakes since it sits on the Pacific Ring of Fire, an active area of earth-quakes and volcanic eruptions.”

Comments are closed.