INSENTIBO SA OLYMPIC MEDALISTS IPAGKAKALOOB NI DUTERTE

MAGRE-REPORT si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, kasama sina silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Marcial, pawang military athletes, sa kanilang Commander in Chief sa Agosto 23 sa Malacañang.

Tatanggapin din nila mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang mga insentibo sa ilalim ng Republic Act 10699 o ang Expanded Sports Incentives Act, kasama ang kanilang mga  coach.

Ang event ay inorganisa ng Office of the President, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Dadalo sa okasyon sina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, at Commissioners Arnold Agustin, Ramon Fernandez, Celia Kiram, at Charles Maxey.

Inimbitahan sa event sina Philippine Olympic Committee (POC) President at Cong. Abraham Tolentino at Secretary-General Atty. Ed Gastanes, Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Chairperson Andrea Domingo, at Team Philippines Chef de Mission Nonong Araneta.

Dahil sa umiiral na quarantine restrictions, ang event ay limitado sa mga imbitado. CLYDE MARIANO

2 thoughts on “INSENTIBO SA OLYMPIC MEDALISTS IPAGKAKALOOB NI DUTERTE”

  1. 598385 648786This is a very good subject to speak about. Generally when I find stuff like this I stumble it. This post probably wont do effectively with that crowd. I will likely be sure to submit something else though. 914663

Leave a Reply

Your email address will not be published.