BUMABABA na ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa, subalit hindi pa maaaring ideklarang ligtas na ito sa naturang virus, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.
“Talagang bumababa ‘yung incidence (rate) but nandiyan pa, that’s why we cannot declare na free na tayo [sa ASF],” wika ni Dar.
Aniya, ang ASF infections ay nananatili pa rin sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga sa Central Luzon, at patuloy na ipina-tutupad ang mahigpit na pagbabantay sa buong bansa.
“Continuously the 1-7-10 protocol is observed and even sa mga airport pinaigting ang quarantine, ‘yung inspection ng mga bagahe, kahit sa mga seaport ay marami pa ring nakukumpiska na mga smuggled items, iba ang declarations doon sa nandoon sa loob,” sabi pa ng kalihim.
“Under the 1-7-10 protocol, quarantine checkpoints are set up in areas within the 1-kilometer radius of suspected farms; and within the 7-kilometer radius, authorities are conducting surveillance and limiting animal movement.”
Samantala, ang mga farm owner sa loob ng 10-kilometer radius ng pinaghihinalaang farms ay inaatasang i-report ang anumang swine disease sa DA.
Sa datos ng DA, ang bilang ng ASF-positive samples ay pumalo sa 180 kaso noong Oktubre.
Subalit hanggang noong Disyembre 27, ang ASF incidence rate ay bumaba na, kung saan wala pang 20 kaso ang iniulat.
Ayon pa kay Dar, inisyuhan ng DA kamakailan ng notice of closure ang chilling facility ng isang kom-panya makaraang mag-deliver ito ng ASF-infected meat sa isang supermarket sa Quezon City. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.