INSIGHT

SABONG NGAYON

ANG ating mga manok since territorial in nature ay nangingilala rin ng tao na lalapit sa kanya kaya dapat palaging dahan-dahan paglapit sa kanya kasi teritoryo niya ‘yung kanyang pinagtatalian kaya ayaw nya na basta may papasok doon.

“Isa sa dahilan kaya nagiging manfighter o salbahe sila kapag pinipiga mo ang paghawak lalo na kung ‘di pa sila kumakain. Palagi pong pakiramdaman at ikaw ang mag-a-adjust sa kanya, hindi siya ang mag-adjust sayo kasi kahit kailan ay hindi mo siya kayang sindakin o takutin,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Kung ikaw ay nasa manukan na hindi mo pagmamay-ari ay palagi kang magpapaalam kung gusto mo silang hawakan, galit na galit ako diyan sa dakot nang dakot sa buntot,” dagdag pa niya.

Samantala, anumang lakas ng ulan ay kaya pong paglabanan ng ating mga manok kasi kaya nga sila may balahibo para protection ng kanilang katawan para huwag lamigin.

“Ang pinakaayaw po nila ay ‘yung malakas na hangin kasi iyon po ang sanhi para sila ay hindi magtunaw kaya mas safe kung bawasan ang pagkain under feed kung panahon na may malakas na bagyo,” ani Doc Marvin.

“Exact time 6 pm, kung talagang matagal ka nang nagmamanok papalapit ka pa lang sa kanila ay alam mo na kung may masalimuot na nangyayari sa kanila kaya dapat mayroon ka talagang bubong na paglalagyan sa kanila lalo na sa panahong may malakas na bagyo indoor facilities,” dagdag pa niya.

Anya, kung gaano kadami ang alaga nating manok ay siya ring dami ng sakit ng ulo.

“Tulungan po natin ang ating mga manok habang nasa mga kamay pa natin sila dahil kapag nabitawan mo na sila ay hinding-hindi mo na sila matutulungan!” ani Doc Marvin.

“Sa nilalang ng Diyos ay manok panabong ang pinakamatapang kasi siya lang ang namamatay nang nakaharap sa kalaban.”

62 thoughts on “INSIGHT”

  1. 934245 465372Wow you hit it on the dot we shall submit to Plurk in addition to Squidoo well done انواع محركات الطائرات | هندسة نت was great 731573

Comments are closed.