INSTANT ARREST DAHIL SA REKLAMO NG ISANG PISKAL KINONDENA

KINONDENA ng pamunuan ng Eternal Gardens ang ginawang warrantless arrest sa kanilang dalawang empleyado base sa reklamo ng isang city prosecutor ng Batangas dahil sa umano’y nawawalang lapida.

Naging mabilisan at agarang sinampahan ng kaso kahit walang mga abogado ang mga empleyado ng Eternal Gardens- Batangas City.

Ayon kay Atty. Christian Castillo, abogado ng Eternal Gardens, bigo silang makakuha ng mga dokumento noong Sabado (October 14, 2023) sa pulisya para sa kanilang depensa dahil off duty ang may hawak ng kaso.

Nasorpresa at hindi makapaniwala ang dalawang empleyado na inaakusahan ng pagnanakaw ng lapida ng isang fiscal.

“Eternal Gardens Management is deeply concerned about the manner in which our employees were treated throughout this ordeal. We are equally dismayed by the blatant abuse of authority when police authorities effected a warrantless arrest when the situation did not justify the same. We also condemn the violation of the rights of our employees, who were deprived of their rights to be represented by legal counsel during custodial investigation and the inquest,” pahayag ng Eternal Gardens.

Nag-ugat ang reklamo nang bumisita ang fiscal sa puntod ng kanyang ama sa Eternal Gardens at nadiskubreng nawawala ang lapida sa nasabing himlayan noong Oktubre 13.

Agad naman itong humingi ng tulong sa mga namamahala roon at nakausap ang dalawang empleyado para alamin kung nasaan ang nawawalang lapida.

Subalit nang hindi magkasundo ang dalawang panig tungkol sa sinasabing nawawalang lapida sa kabila ng pakiusap ng management ay agad na tumawag ng pulis at dinala sa presinto ang mga inakusahan para umano sa interogasyon.

Laking gulat na lamang ng mga tauhan ng Eternal Gardens na agad silang kinasuhan at ikinulong sa araw na iyon kahit wala silang mga abogado.

Sa naging panayam sa Batangas City Police, umaksyon lamang sila sa reklamo na kanilang mandato at mayroon anilang batayan ang pagsasagawa ng warrantless arrest sa mga akusado.

Bukod sa pagkakulong mula October 13 sa dalawang empleyado, nasa kustodya rin ng Batangas City Police ang nakuhang lapida subalit wala ang nakaukit na pangalan ng ama ng piskal.

Itinanggi nanan ng Eternal Gardens- Batangas, na pagnanakaw ang nangyari dahil bahagi ng paglilinis ng sementeryo ang pag-aalis ng nakakalat lamang na mga lapida dahil mayroon ng bagong ipinalit dito.

Kaugnay nito ay nanawagan ang pamunuan ng Eternal Gardens na imbestigahan ng Department of Justice at PNP ang ginawa ng Batangas City PNP at City Prosecutors Office. RON LOZANO