INSTAPAY AT PESONET FUND TRANSFER: MURA NA, MABILIS PA!

AUBANKING 101

SA PAG-UNLAD ng teknolohiya, lalo nitong napagagaan ang ating mga buhay. Ang kagandahan nito, pati sa aspetong financial, napakala­king tulong ng teknolohiya.  Natatandaan mo ba ‘yung mga araw na ika’y pupunta sa isang bangko upang mag-deposit ng pera sa account ng iba?  Marahil ito ay ang buwanang allowance ng ating mga anak na nag-aaral sa ibang siyudad o probinsiya.  O ‘di kaya’y ang perang dinideposito natin sa account ng ibang tao ay para sa pambayad sa isang transaksiyon o binili natin.

Natatandaan mo ba ang pagod ng pagpila habang hinihintay na matawag ang pangalan mo? O ‘di kaya ang pagod at gastos sa biyahe para lamang makapunta sa bangko?  Hindi na natin kailangang maranasan ang mga ito, dahil sa teknolohiya, mapadadali na ang pagdeposito ng pera!

Sa pamamagitan ng InstaPay at PesoNet, maaari na tayong mag-fund transfer mula sa sarili nating bank account patungo sa bank account ng ibang tao.  Kung kailangan mong magpadala ng allowance sa anak mong nag-aaral sa ibang lugar, huwag nang pumila sa bangko.  Maaari ka ng mag-fund transfer mula sa iyong account patungo sa account ng iyong anak.  Kinakailangan na alam mo ang account name at account number ng iyong anak upang makapag-fund transfer.  Magagawa mo ito sa loob ng ilang minuto lamang.  O ’di ba, ang saya.  Hindi na mauubos ang oras mo sa pagpunta at pagpila sa bangko, makatitipid ka pa ng pama-sahe.

Ano nga ba ang ipinagkaiba ng InstaPay at PesoNet?  Ang InstaPay ay real time fund transfer kung saan makukuha agad ng ta-ong pinadalhan mo ang pera kung saan make-credit ito sa kanyang bank account.  Ang PesoNet naman ay same day fund transfer kung saan make-credit ang perang ipinadala mo within the day sa bank account ng taong pinadadalhan mo.  Kung hindi ka umabot sa cut-off time ng PesoNet, make-credit ang perang ipinadala mo sa susunod na banking day.

Ang good news dito, kay AUB, parehong available ang InstaPay at PesoNet.  Higit sa lahat, P10 lamang ang service fee kada transaksiyon.    Sa halagang P10, hindi ka mapapagod sa biyahe at pila, makatitipid ka pa ng pamasahe.  At ang pinakamaganda pa, magkakaroon ka pa ng maraming oras upang gawin ang iba pang mga bagay sa pang-araw-araw mo.  Kung ikaw ay isang AUB account holder na, gamitin mo na ang InstaPay or PesoNet kung kailangan mong magpadala ng pera sa bank account ng iyong ka-pamilya or sa bank account ng iba.  Kung hindi ka pa AUB account holder, pumunta na sa pinakamalapit na AUB branch at mag-bukas ng account.

Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph). Hang-gang sa susunod.

Comments are closed.