KINUMPIRMA ni Presidential Spokesman Harry Roque na isinusulong na ng pamahalaan ang pagtatayo ng Institute of Vaccinology kasunod ng biglaang demand ng bakuna kontra COVID-19.
Kasabay ng pagsusulong nito ay ang paglalaan ng pondo rito ng pamahalaan para sa research ng locally-produced COVID-19 vaccine.
“Isa po iyan sa mga initiatives ni Secretary dela Peña diyan po sa DOST. Tama po kayo, dumating na iyong punto na ang Pilipinas ay nag-iisip na rin na magkaroon ng kakayahan na mag-develop ng sariling bakuna,” ayon kay Roque.
Ang hakbang ng pagtatayo ay upang hindi na umasa ang Filipinas sa ibang bansa.
Bagaman wala pang nagagawang bakuna ang Filipinas kontra COVID-19, ibinida ni Roque na aktibo ang mga scientist at inventors ng bansa sa mga clinical trial at nakikibahagi rin ang mga Filipino sa world wide effort para magamot ang mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
“Doon sa mga clinical trial natin para sa virgin coconut oil pala at saka sa Tawa-Tawa at saka doon sa blood plasma na undergoing clinical trials also. So, nakiki-contribute naman tayo doon sa worldwide effort to come up with treatment to COVID-19,” dagdag pa ni Roque. EVELYN QUIROZ
142210 834453A very exciting go through, I may not agree completely, but you do make some genuinely legitimate factors. 657209