MASBATE- PATULOY na pagbabalik-loob ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa panig ng gobyerno makaraang sumuko ang isang rebeldeng babaeng instructor sa Bicol PNP .
Si “Ann” ay 29 anyos, residente ng Brgy. Holjogon, Mobo, Masbate at isang regular na miyembro ng Larangan 2, Komite ng Probinsya 4, Komite ng Probinsiya Masbate sa ilalim ng kumand ni aka “Ka Daddy”.
Ang nasabing grupo ay nakatuon ang operasyon at patuloy sa paglulunsad ng karahasan sa 3rd District ng Masbate.
Isinuko rin ni Ann ang isang kaliber 357 revolver TM: “Smith and Wesson” na walang serial number at limang bala nito.
Ang nasabing rebelde ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng PIT- 5, Masbate para sa kaukulang disposisyon.
Ang pagsukong ito ay bunga nang mas pinaigting na intel driven operations at Retooled Community Support Program (RCSP) na nagbigay daan upang mailatag sa publiko ang maraming oportunidad na nakahandang ibigay ng gobyerno para sa kanilang pagbabagong buhay.
Katuwang ang Philippine Army sa pamumuno ni MGen Alex dela Cruz Luna, commander ng 9th ID ay magpapatuloy sa maganda nasimulang makamit ang pagkakaisa sa pagbibigay solusyon sa problema sa insurhensya. VERLIN RUIZ