(Insurance at tax free na sahod) DEMANDS NG VOLUNTEER DOCTORS INILATAG NG PMA

PMA

INILATAG na ng Philippine Medical Association (PMA) ang ilang mga kondisyon para sa volunteer doctors na papasok sa pamahalaan para lumaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Dr. Benny Atienza, pangulo ng PMA, ipriprisinta nila sa Inter Agency Task Force (IATF) ngayong linggong ito ang  demands ng doktor na mag-bo-volunteer.

Kabilang na aniya sa mga hinihingi ng mga ito at insurance accident o death, hazard pay, incentive, PhilHealth fees, transportation allowance at salary, na dapat ay umano ay tax-free.

Kinakailangan din umano na hindi high risk ang doktor.

Nilinaw naman ni Atienza na wala pa silang inilagay na figure kung magkano ang hihingiin nilang insentibo.

Gayunman, sinabi ni Atienza na sa ibang ospital ay umaabot sa P20,000 ang ibinabayad sa isang doktor sa loob ng 24 oras na duty nito.

Paglilinaw niya, ang kanila umanong ilalatag na kondisyon ay upang maengganyo ang mga doktor na mag-volunteer. ANA ROSARIO HERNANDEZ