INSURANCE COMMISSION NAG-ISYU NG LISENSIYA SA ETERNAL PLANS PARA MAGBENTA NG PRE-NEED PRODUCTS SA 2018

ETERNAL PLANS

BINIGYAN na ng Insurance Commission ang Eternal Plans ng kanilang certificate of registration at lisensiya para makapagserbisyo at magbenta ng pre-need plans para sa taong  ito.

Ang certificate, na may series no. PN 2018-11-R, ay pinirmahan ng Insurance Commissioner na si Dennis B. Funa. Binigyan ng awtorisasyon ang Eternal Plans na mag-alok ng life, pension at education plans, at may bisa hanggang Disyembre 31, 2018.

Ang pagpapanibago ng certificate of registration o lisensiya para magbenta ng pre-need plans ay pruweba ng pagsunod na may regulatory require-ments. Isa ang Eternal Plans sa mga piling  pre-need companies na tuloy-tuloy na iniisyuhan ng pagpapanibago ng lisensiya taon-taon ng IC.

Ang Komisyon na naging regulator ng pre-need companies matapos ang pagsasabatas ng Republic Act 9829 o ang Pre-need Code noong 2009, ay nag-iisyu ng lisensiya taon-taon sa pre-need firms para sila ay makapagpatakbo o makapagpatuloy sa kanilang gawain.

Comments are closed.