NUEVA ECIJA – PAGAGANAHIN ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng 7th Infantry Division (7ID) ang kanilang kaalaman para sa mabilis na pagpapatupad ng Whole-of-Nation Approach sa ilalim ng Executive Order 70 sa Region III (Central Luzon).
Sinabi ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. na kanilang tutukan ang pagdiskubre sa mga nagpupunente sa communist ideology habang papalalakasin ang ugnayan sa mga komunidad na apektado ng labanan.
Naniniwala si Galvez na may dalawang major factors na dapat mong maresobla, una ay ano ang nag-uudyok sa mga idelohiya ng mga lider ng rebelde at ikalawa ang kanilang kondisyon.
Si Galvez ang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) na mangangasiwa sa peace and development efforts sa Region 3 na itinatag noong Mayo 6.
Ang CORDS ay itinatag para asistihan ang Pangulo ng Bansa para sa mabilis, tama at maayos na resolution sa isyu ng insurgency.
Kabilang naman sa isinagawa ay ang community peace assemblies, peace-building at livelihood seminars, peace rallies, youth leadership summits, at half-way orientations sa deradicalization process.
Sinabi naman ni 7th Infantry division commander Maj. Gen. Lenard Agustin na natitiyak niyang determinado ang kanyang mga tauhan na mapagtagumpayan ang kanilang tungkulin para matuldukan na ang insurgency sa Central Luzon. EUNICE C.
Comments are closed.