QUIRINO PROVINCE-HINIHINALANG pinatay ang isang kagawad ng pulisya matapos matagpuan ang bangkay nito sa bahagi ng katubigan ng Addalam River na nasasakupan ng bayan ng Aglipay ng lalawigang ito kahapon.
Nakilala ang nasawi na si P/SMSgt Dexter Altre, 45-anyos, nakatalaga bilang Intelligence PNCO ng Maddela Police Station.
Agad na ipinag-utos ni P/Col. Rommel Rumbaoa, Provincial Director ng Quirino Police Provincial Office sa Aglipay Police Station sa pakikipagtulungan ng Maddela Police Station ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng pagpatay sa biktima at motibo nito.
Napag-alaman, huling nakitang buhay si Altre noong Disyembre 29, 2020 kung saan ay natagpuan ng Scene of the Crime Operative (SOCO) ang bangkay nito dakong alas-4 ng hapon kahapon.
Nakatakdang isailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Altre para matukoy ang sanhi ng pagkakamatay nito na sa kasalukuyan ay walang trace of evidence o anumang palatandaan na isinagawa ang pagpatay sa mismong lugar kung saan natagpuan ang biktima.
Tiniyak ni Rumbaoa na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Altre. IRENE GONZALES
Comments are closed.