INTENSIFIED CLEANLINESS POLICY NG PNP ‘INIHATID’ SA PRO-12

UPANG personal na maipabatid ang kanyang Intensified Cleanliness Policy (ICP) binisita ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang Police Region Office 12 na may punong himpilan sa Barangay Tambler, General Santos City.

Kasama ni ni Eleazar ang kanyang maybahay na si Mrs. Rosalie Eleazar at sila ay mainit na tinanggap ni PRO-12 Regional Director, BGen. Michael John Dubria.

Hangarin ni Eleazar na maisakaturaparan ang kanyag ICP upang maging perpekto at malinis ang pamamahala sa hanay ng pulisya.

Mamalagi ng tatlong araw sa PRO-12 si Eleazar para makipagkita sa pulisya at iba pang opisyal ng SocSarGen region.

Ngayong araw, Agosto 25, ay bisitahin ni Eleazar ang South Cotabato at Sarangani provincial police office bago tumulak pabalik ng Maynila.

Bitbit ang kanyang banner program na “kalinisan” kanyang sinabi na kung may reklamo mula sa publiko ay hindi sa regional, provincial o city police office pupunta subalit ang puntahan ng mga nagrereklamo ay ang mga police stations pati mga COMPAC.

Matapos bumaba ng GenSan airport sumaglit ito sa Fatima police station at sinilip at nakita ang malinis na police station na pinapatakbo ng isang babaeng opisyal.

Pinasiguro rin nito na ipagpapatuloy ang paglilinis sa hanay ng pulisya.

Kanya ring inulit na walang padrino at walang palakasan sa 17,000 newly recruits na kung may makalusot ay mamalasin umano. EUNICE CELARIO

113 thoughts on “INTENSIFIED CLEANLINESS POLICY NG PNP ‘INIHATID’ SA PRO-12”

  1. 382588 867880Whoah this blog is magnificent i really like reading your articles. Keep up the excellent paintings! You realize, a lot of persons are looking round for this info, you can aid them greatly. 936739

Comments are closed.