INTER-AGENCY TASK FORCE, MEDICAL EXPERTS PINULONG NI DUTERTE

Senador Bong Go

PINULONG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno  kabilang na ang Inter-Agency Task Force at medical experts.

Ayon kay Senador Christopher Bong Go, layon nito na mapag-usapan muli ang 2019-novel Coronavirus (nCoV)  sa bansa at ang ipinatupad na temporary travel ban sa lahat ng mga biyahe mula sa China ng kahit na anong nasyonalidad.

Kaugnay nito, nakatakda ngayong araw ang pagdinig ng  Senate Commitee on Health  na pinamumunuan ni Go bukas kaugnay sa kinatatakutang nCoV.

Imbitado sa pagdinig ang iba’t ibang ahensiya ng  gob­yerno tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa kapakanan ng mga manggagawang Pinoy sa abroad, Department of Tourism (DOT) para sa naging epekto nito sa turismo, Department of Transportation (DOTr) para sa mga kanseladong biyahe at flights gayundin ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa problema ng kakulangan at overpriced ng face mask.

Kasama rin sa inimbitahan ang Philippine Coast Guard (PCG) para naman sa pagpigil sa mga barkong papasok sa bansa na kung saan ay inaasahang makakasama rin ang  mga kinatawan ng Bureau of  Immigration (BI), Manila International Airport Authority (MIAA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Department of Education (DepEd), Department of Finance (DOF) at i­lang mga doktor. VICKY CERVALES

Comments are closed.