SIMULA sa Abril ay tataas ang inter-bank automated teller machine (ATM) fees.
Sa isang statement, sinabi ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na kanilang sinusuportahan ang acquirer-based ATM fee principle ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
“We are appreciative of the BSP’s move to adopt this pricing philosophy that is market driven and customer-centered. This policy promotes competition and efficiency in the banks’ effort to deliver better services to the banking public,” wika ni BAP managing director Benjamin Castillo,
Noong 2019 ay inalis ng BSP ang six-year moratorium sa ATM fees na ipinataw noong 2013.
Gayunman ay kailangan munang humingi ng pahintulot ang mga bangko mula sa BSP bago magtaas ng ATM fees.
“Banks should adopt the acquirer-based charging, wherein the bank that owns the ATM will set the fees unlike in the previous system wherein the issuer bank sets the fees for the card holder.”
Tiniyak ng BAP sa publiko na ang mga cardholder na patuloy na magta-transact sa pamamagitan ng ATMs ng kani-kanilang bangko ay libre pa rin sa ATM services.”
“Cardholders who choose to transact using an ATM of another bank will still have an option to proceed or not to proceed with his transaction mindful of the ATM fee that will be charged,” ani Castillo.
“Same as before, no fee will be charged if the cardholder will use the ATM terminal of his bank,” dagdag pa niya.
Sa isang advisory ay sinabi ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na simula sa Abril 7, ang non-BPI cardholders na gagamit ng BPI ATMs ay sisingilin ng P2 para sa balance inquiry at P18 para sa withdrawal.
Mas mataas ito sa kasalukuyang P1.50 at P15 na ipinapataw sa balance inquiry at withdrawal transactions, ayon sa pagkakasunod.
Maniningil din ang Metrobank ng kaparehong fees simula sa Abril 7.
Nasa P7.50 naman ang withdrawal fee nito para sa PSBank cardholders na gagamit ng Metrobank ATMs.
Samantala, epektibo rin sa Abril 7, ang UCPB ay maniningil sa non-UCPB cardholders ng P2 para sa balance inquiry at P15 para sa withdrawal.
Comments are closed.