HINIMOK ni Senador Francis Pangilinan ang mga mangingisda at magsasaka na naapektuhan ng bagyong Rolly na mag-avail ng zerointerest loans at crop insurance payouts na programa ng Department pf Agriculture (DA).
“Mayroong nakalaang pera ang DA para sa ganitong mga sitwasyon. Every farmer can borrow P25,000 in zero-interest Survival and Recovery Loan payable in 10 years. The Philippine Crop Insurance Corp. also has P1 billion in indemnification fund to pay for losses; that is equivalent to farmers getting P10,000 to P15,000 depending on land size,” sabi ni Pangilinan
Higit aniyang apektado kapag may ganitong kalamidad ang mga magsasaka at mangingisda na dapat na iprayoridad at bigyang tulong ng pamahalaan
“Nakausap ko ang ilang mga local official sa mga nasalantang lugar sa Bicol at Southern Tagalog. Sabi ni Mayor Krisel Lagman, kalahati ng mga bahay sa Tabaco, Albay ay completely destroyed, at 90 percent ng mga banca ay na-wash out,”
“Hindi pa man din nakakabangon ang ating mga magsasaka sa ‘Quinta’ nang tumama naman si Rolly. Wala na silang ibang matatakbuhan kundi ang pamahalaan at ang isa’t isa,” pahayag ng senador.
Nauna rito sa isang media briefing, sinabi ni DAR Secretary John Castriciones na 20,000 farmers at fsiherfolk ang apektado ng bagyong Rolly kung saan tinatayang nasa P1.1 bilyon ang nasirang mga pananim, habang P2 bilyon naman sa bagyong Quinta
“Kailangang-kailangan ng ating mga nasalantang kababayan ang food packs at temporary shelter,” sabi pa ni Pangilinan.
“Malayo ang mararating ng kahit na kauntimg tulong, lalo na sa pagpapatibay ng loob na hindi nag-iisa ang mga nasalanta,” dagdag pa niya. LIZA SORIANO
Comments are closed.