INTEREST RATE NG BSP MULING ITINAAS

ITINAAS ng Bangko Sen­tral ng Pilipinas (BSP) ang benchmark interest rate nito sa ikalawang pag­kakataon ngayong taon sa harap ng patuloy na pag­taas ng presyo ng bilihin.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, Jr., itinaas ng policy-setting Monetary Board (MB) ng BSP ang overnight borrowing rate ng 25 basis points, para sa kabuuang 50 basis points ngayong taon. Bago itinaas ang key rate noong nakaraang Mayo 10, hindi ito ginalaw ng board sa loob ng halos apat na taon.

Ang overnight borrowing rate ng BSP ay itinaas sa 3.50 percent, ang overnight lending rate sa 4.00 percent, at ang overnight deposit rate sa 3.00 percent.

“In deciding to raise the BSP’s policy interest rate anew, the Monetary Board noted that inflation expectations remained elevated for 2018 and that the risk of possible second-round effects from ongoing price pressures argued for follow-through monetary policy action,” wika ni Espenilla.

Sinabi ni Espenilla sa bisperas ng policy meeting na nakahanda ang  monetary authorities na mag-adjust pa kung kinakailangan.

Ipinahayag naman ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo  na inaasahan  ng board na magiging mas mabilis pa rin ang inflation kaysa target ng gobyerno na 2 hanggang 4 percent ngayong taon.

Sa pagtaya ng BSP, ang inflation ay maitatala sa 4.5 percent para sa 2018 mula sa naunang forecast na 4.6 percent.

Comments are closed.