POSIBLENG hindi gumalaw ang key interest rates sa darating na Huwebes kasunod ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya sa second quarter ng taon, ayon sa mga analyst.
Sa kabila ng nagpapatuloy na inflation risks at pressure sa peso, sinabi ng mga analyst na maaaring ipagpatuloy ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paghinto sa ikatlong sunod na pagpupulong.
Ang interest rate hikes ay natigil noong Mayo makaraang magsimulang kumalma ang inflation mula 18-year high na 8.7 percent noong Enero. Ang hindi paggalaw ng interest rates ay nagpatuloy noong Hulyo sa harap ng pagbagal pa ng inflation.
Ang benchmark BSP rate ay kasalukuyang nasa 16-year high na 6.25 percent.
Ang domestic inflation ay bumaba sa 4.7 percent noong Hulyo, subalit inaasahang muling tataas ngayong buwan matapos ang sunod-sunod na oil price hikes at ang pananalasa ng mga bagyo.
Ang average rate ay nananatiling nasa itaas ng target ng BSP na 6.8 percent subalit inaasahang pasok sa 2 hanggang 4 percent range sa monthly basis bago matapos ang taon.