SA maliit na bahay, ang tipikal na sukal ng living space ay 8.5 by 40 feet, na may mataas na ceiling para ma-accommodate ang tulugan sa itaas o kaya naman ay para sa storage space. Para sa mga claustrophobic, hindi ito okay, pero kung wala kang choice, make the most of what you have.
Paano natin aayusin ang maliit na bahay para magmukhang malaki? Kailangan natin ng Creative Design & Decor Ideas.
Una, gumamit ng hagdan para sa storage para hindi nakikita ang mga kalat. Ikalawa, maglagay ng mga halaman para masarap tingnan at hindi masakit sa mata. Ikatlo, gumamit ng Neutral Colors. Pwedeng puti, off white, cream, beige, aqua marine o kung anumang maliwanag na kulay para masaya at madaling pumili ng kulay ng kurtina. Ikaapat, piliin ang mga Natural Accents para simple lang at hindi messy. Ikalima, kumuha ng maliliit na patterns & Pops of Color. Pag maliit ag bahay mo, dapat, maliliitr din ang jga kasangkapan mo di ba? Ikaanim, isabit sa mga dingding ang mga bookshelf para hindi pang-abala at para hindi nakahambalang ang ang mga libro at magazines. Ikapito, sa halip na ordinaryong pinto at bintana, maglagay ng mga French doors and windows para magmukhang maluwang ang bahay lalo na kung araw. At ikawalo, gamitin ang mga runners. JAYZL VILLAFANIA NEBRE