INTERMITTENT FASTING EPEKTIBO BA?

Ah, intermittent fasting – dieting trend na uso ngayon dahil mabilis raw magpapayat. Sonubukan ko rin. Pero Bago kayo tumalon sa bagong culinary craze na ito, ipaliliwanag ko muna ang ins and outs ng intermittent fasting at kung totoo nga ba itong weight loss miracle.

Ganitong yon. Nasa culinary rollercoaster ka kung saan isang araw kang kakain ng lahat ng gusto mo at sa susunod na araw ay totally Wala liban sa tubig. Parang professional yo-yo dieter. Iyan po ang intermittent fasting – eating and fasting.

Minsan akong naging intermittent fasting enthusiast dahil tumaba ako noong pandemic time. Umasa akong madali akong papayat. Armed with nothing but an empty stomach and a dash of determination, nag-intermittent fasting ako. Ngunit pagkaraan ng isang linggo ng pagiging gutom at deprived, naisip kong kawawa naman ako.

Nagtatrabaho ako, tapos, gugutumin ko lang ang sarili ko.

Iba na ang pananaw ko ngayon sa pagpapapayat at hindi na kasama doon ang skipping meals.

Hindi po effective sa akin ang intermittent fasting. Bakit?

a. Sobrang gutom

Nag-fasting ka ng ilang oras, gutom is, kaya ang sungit mo. Nasisira ng intermittent fasting ang iyong mood and productivity. Sure, papayat ka ng konti ng mabilis, pero worth ba na i-sacrifice mo ang iyong sanity para dito?

Sa pag-asang maisisoot ko uli ang mga luma kong pantalon, sonubukan ko ang intermittent fasting. Pero makaraan ang ilang araw na para akong batang nagta-tantrums, naisip ko, hindi okay ang aking mood swings at nasisira ang relationship ko sa aking mga katrabaho at kasamahan sa simbahan. Ngayon, bininilang ko na lang ang calories ng pagkain ko, at syempre, may sprinkle of sanity dahil hindi na ako gutom.

b. Feeling patay-gutom

Maghapon kang nag-fasting and finally, kakain na. Dahil gutom na gutom ka, kesehodang hindi balanced meal ang kakainin mo. Lahat, masarap! Para kang timawang binigyan ng fiesta after intermittent fasting break. Kawawa talaga.

Kung ganoon, balewala ang intermittent fasting. Nagkakaroon ka kasi ng dysfunctional relationship with food. Mas praktikal na magkaroon ng self-compassion, dahil kailangan mo lang naman talaga ay willpower para pumayat.

Isa pang malaking problema sa intermittent fasting ay pwede kang magkaroon ng maraming physical problems.
Sasakit ang ulo mo dahil sa sobrang gutom. Syempre, iinom ka ng painkillers — na walang lamang ang tiyan! Sa totoo lang, hindi kailangan ang gamot. Masakit ang ulo mo dahil hindi ka kumain. Magbiskwit ka kaya! Don’t just suffering in silence.

Yung feeling mo, drained and depleted ka — kasi, under intermittent fasting ka. Nagkakaroon ka ng energy rollercoaster, with highs and lows. Kaya para kang loning inalisan ng hangin.

Sa ngayon, I make sure na balanced ang nutrition ng bawat meal ko — pero paminsan-minsan, I still indulge in my favorite ramen — with a sprinkle of common sense.

Sa unang tingin, ang intermittent fasting ay golden ticket sa pagpapapayat. Sa totoo lang, hindi!

Maraming side effects ang dieting trend na ito ang worse, magsa-suffer ang kalusugan mo both mentally ang physically. Hindi naman siguro ninyo gugustuhing mag-send up sa mental institution dahil lang gusto mong pumayat!

Maraming paraan basta may determinasyon ka. Better yet, consult your doctor. Hindi sagot ang pagpapakagutom upang makamit ang sustainable weight loss. Subukan mo rin ang exercises — at bawasan mo ang paglalaro sa cellphone.

Nakakaubos yan ng oras at napaparami pa ang kain mo ng sitsirya. Not good for your health! JAYZL VILLAFANIA NEBRE