INTERN PARA SA SENIOR HIGH

NAVOTAS-internship

PUMIRMA sa memorandum of agreement sina Dr. Meliton Zurbano, OIC Schools Division Superintendent, at ang mga principal ng mga mag-aaral sa senior high at Navotas Mayor John Rey ­Tiangco para sa kasunduan na work immersion para sa mga K-12 student.

Nasa 462 kabataang Navoteño ang magtatrabaho sa city hall hanggang makompleto nila ang 80 oras ng kanilang internship.

Kasama sa mga paaralan ang Bangkulasi Senior High School, Filemon T. Lizan Senior High School, Gov. Andres Pascual College, Kaunlaran High School, San Roque National High School at Tangos National High School.

Hahatiin sila sa tatlong batches at itatalaga sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod simula Nobyembre 16, 2018 hanggang Pebrero 2019.

Ang Work Immersion Program ay isang requirement ng Department of Education para sa mga senior high student bago sila maka-graduate.

Bilang bahagi ng K-12 basic education reform program, inaasahan na magiging daan ito para maihanda ang mga estudyante sa pagpasok sa trabaho.

Ani Tiangco, magandang oportunidad din ito para maranasan ng mga kabataang Navoteño ang serbisyo publiko at maintindihan nila ang mga gawain sa pamahalaang lungsod. VICK TANES

Comments are closed.