QUEZON CITY – SINABIHAN ni DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año ang Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang internal cleansing laban sa mga tiwaling pulis.
Ang atas ni Año ay alinsunod sa hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mga ‘bugok na itlog’ sa hanay ng pulisya ay maisasakatuparan bilang bahagi ng malawakang internal cleansing ng pamahalaan laban sa korupsiyon.
Ipinahayag ni Año na nakatuon ang pamahalaan sa paglalantad at pagpapakulong sa mga tiwaling pulis habang tinitiyak na sila ay mabibigyan ng due process hanggang mapatunayang nagkasala.
Ipinaliwanag din niya ang urgency nito sapagkat, “ang publiko ay naghahanap ng mga aksiyon na dudurog sa kultura ng impunity sa pamahalaan.”
Ayon kay Año, mula 2016, higit sa 6,000 commissioned at non-commissioned na mga pulis kasama ang mga non-uniformed personnel ang natanggal sa serbisyo, ibinaba ng posisyon, o nasuspinde.
Naniniwala si Año sa natanggap na increase ng pulisya ay umaasa ang publiko ng dobleng serbisyo mula sa mga alagad ng batas.
Sa pagpasok ng 2018, tumaas ang suweldo ng mga Police/Fire/Jail Officer 1 sa P29,668 mula sa P14,834 na may hazard pay na P540. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.