ANG internal cleansing operations ang ipambabala ng Philippine National Police (PNP) para maibalik ang tiwala ng mamamayang Filipino at maging ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya.
Sinabi ni PNP Officer-In-Charge, Lt. Gen. Archie Gamboa na kanilang paiigtingin ang nasabing operasyon para malinis ang kanilang hanay.
Ang hakbang ay kasunod ng pahayag ng Pangulo na napakatalamak na ng korapsyon sa pulisya.
Umaasa si Gamboa na maitataas din ang imahe ng PNP sa hakbang.
Samantala, positibo rin si Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Operations na epektibo ang kanilang internal cleansing dahil kaniyang isinulong na gawin itong Committee on Internal Reform and Good Governance kung saan siya ang chairman. Aniya, bilang head ng operations ng PNP, positibong makakamit ang reporma sa PNP. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.