NAGPAPATULOY ang internal cleansing program sa Philippine National Police (PNP).
Ito ang tugon ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Redrico Maranan sa panawagan ng isang senador na linisin ang hanap ng pulisya na sinasabing ang pinag-ugatan ay pagkatuklas ng mga ninja cop makaraan ang pagkakumpiska ng P6.7 bilyon na 990 kilos ng shabu noong Oktubre 2022.
Ayon kay Maranan, bukas ang liderato ng PNP sa panawagan ni Sen. Bong Revilla na linisin ang hanay ng mga pulis.
Nagpapasalamat naman ang PNP sa mga senador, sa lahat ng kanilang suporta sa Internal Cleansing efforts ng kapulisan.
Kasabay nito, tiniyak ng PNP sa mga Senador na may mga ipinatutupad na hakbang para mapigilan ang paggawa ng iregularidad ng mga pulis, at kung makagawa man, ay mabilis ang sistema ng pagdidisiplina.
Nangunguna sa pagtugis sa mga scalawag na pulis ang Internal Affairs Service (IAS), at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG)
Suportado rin ng PNP ang pananaw ng mga mambabatas na hindi dapat pahintulutan na madungisan ang imahen ng PNP ng iilang tiwaling pulis.
EUNICE CELARIO