INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na layon nilang tapusin ang “internal cleansing” sa hanay ng Philippine National Police (PNP) sa Marso o Abril.
Ayon kay Abalos, nasa proseso pa sila ng pagbuo ng 5-man committee na mag-iimbestiga sa mga senior officer ng PNP para sa posibleng pagkakaugnay sa droga.
“Ang naging effect nito (courtesy resignation) ay hindi biro… bilang secretary ng DILG, nakita ko ang nangyayari sa ibaba,” paliwanag ni Abalos sa kaniyang pagdalo sa PNP Academy sa Silang, Cavite.
“Senior officers who offer resignations could continue working while the committee goes over their records,” giit ng kalihim.
Aniya, pagkatapos ng assessment ng panel, susuriin din ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang listahan ng mga opisyal na umano’y sangkot sa ilegal na droga.
“Tuloy-tuloy ang case buildup, so if evidence warrants it, mag-file pa din ng case kahit tinanggap na ang resignation,” dagdag pa ng DILG chief.
Noong Linggo, sinabi ng PNP na 25 na lamang na matataas na opisyal ang hindi pa nagsusumite ng kanilang courtesy resignation. EVELYN GARCIA