INTERNATIONAL COASTAL CLEAN-UP DAY ISINAGAWA SA MANILA BAY

Manila Bay

NAGSANIB puwersa ang iba’t-ibang mga ahensiya ng gobyerno at ilang pribadong organisasyon sa pagpulot at  paglilinis ng basura sa Manila Bay   bilang pakikiisa sa International Coastal Clean-Up Day.

Alas 6:00 ng umaga ng Sabado nagsimula  nang maglinis sa Manila Bay ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, DPWH, at DOH sa ikinasang cleanup activity sa Roxas Boulevard.

Katuwang din ng mga nabanggit na ahensiya ang Local Lions Club.

Matatandaang binuksan na rin sa publiko ang bahagi ng Manila Bay na tinambakan ng pinulbos na dolomite rocks bilang bahagi ng rehabilitasyon nito. DWIZ882

Comments are closed.