INTERNATIONAL RESOURCE FORUM GAGANAPIN SA CAUAYAN CITY, ISABELA

Engr. Marcelo Miguel

NASA Cauayan City, Isabela ang na ang ilang miyembro ng International Researchers mula sa Japan upang dumalo sa international resource forum na may kaugnayan sa tubig.

Ang nasabing pulong ay isasagawa ngayong araw, Pebrero 4 hanggang sa Huwebes.

Ayon kay Engr. Marcelo Miguel. Provincial Director ng Department of Science and Technology (DOST) Isabela na ang nasabing aktibidad ay pangu­ngunahan ng Isabela State University (ISU) katuwang ang DOST Region-2, maging ang Local Government Unit (LGU) ng Cauayan City na pinamumunuan ni City Mayor Bernard Faustino La Madrin Dy.

Layunin aniya ng nasabing aktibidad na matukoy ang estado ng tubig sa buong Region 2 maging sa Isa­bela gayundin, ang tustos nito pangunahin na at nakakitaan ng hindi magandang kalidad ng tubig bunsod ng pabago-bagong panahon o ang climate change.

Inaasahang aabot sa higit sa 200 participants ang dadalo mula sa iba’t ibang LGU’s sa Region 2, National Irrigation Administration (NIA) at Non-Government Organizations.

Tiyak aniyang ma­kikita ang mga bagong imbensiyon ng DOST para maging malinis ang tubig sa rehiyon, na inaasahang mala­king pakinabang nang mga taga-Cagayan Valley ang isasagawang Internation Resource Furom, na ang magi­ging panauhin ay mula sa bansang Japan.

Inaasahang dadalo rin sa nasabing aktibidad si DOST Secretary Fortunato de la Peña.  IRENE GONZALES