TUMAAS ng 100 percent ang internationals travelers bago ang selebrasyon ng New year”s eve, kung ikukumpara noong nakalipas na taon, ayon Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente.
Batay sa talaan ng ahensiyang ito, umabot sa 10,140 bilang ng mga pasaherong dumating noong New Year”s eve, dagdag pa ni Morente.
Maging ang departing passengers ay tumaas din mula sa 3,770 noong nakaraang taon at umabot sa 6,951 sa taong ito.
Dagdag pa nito (Morente), ito ay palatandaan ng isang significant improvements na hindi na maaawat ang international at domestic travelers sa taong ito.
Ayon naman kay BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, ang rapid increased ay resulta sa smooth sailing operations nitong holiday season.
Sapagkat napaghandaan ng kanilang manpower ang inaasahang padagsa ng mga pasahero at pagbubukas ng kanilang mga e-gates upang maiwasan ang mahabang pila palabas sa mga airport. Froilan Morallos