INTERNET CAFES GAGAWING DIGITAL CLASSROOMS, WORKPLACES

INTERNET CAFES

TARGET ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na gawing digital classrooms at workplaces ang internet cafes para sa mga walang access sa bahay.

Ayon kay DICT Undersecretary Eliseo Rio, plano ng ahensiya na magkaroon ng naturang mga pasilidad sa bawat komunidad.

“Isa pang ginagawa namin ay i-repurpose lahat ng mga internet cafe natin para puwedeng mag-ing digital classroom or digital workplace,” wika ni Rio.

“Papairalin natin itong business order na ito sa isang komunidad or sa isang subdivision, maka-pagtayo ng isang enterprising doon para doon na lang pumunta ang tao at mga neighbor niya, ‘yung walang connectivity for example, na makapag-aral at makapag-work from home,” dagdag ng opisyal.

Hindi naman binanggit ni Rio kung kailan ipatutupad ang kautusan.

Nauna nang ipinanukala ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang work from home arrangements bilang paraan para maprotektahan ang mga manggagawa laban sa coro-navirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay makaraang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa enhanced community quarantine ang buong Luzon mula Marso 17 hanggang Abril 13. Pinalawig ang lockdown hanggang Abril 30 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Comments are closed.